Friday, April 4, 2008

Bakit ko lab si NMI?

Bakit ko lab ko si NMI? Minsan mahirap sagutin kapag tinanong sayo ng harapan, pero pag inalala mo yung bagay na napagdaanan niyo, mahaba haba ang magagawang listahan ng mga dahilan. At ito na nga sila...

1. Maganda. Ako na ang magbubuhat ng bangko niya dahil kilala ko rin (humigit kumulang) ang mga nabighani ng kanyang kagandahan. Kahit nung buntis sya, maganda pa rin sa akin kahit lumaki ang ilong. Heheh.

2. Palaban. Kahit iyakin, masasabi mo pa rin na palaban dahil sa mga prinsipyo at katarayan niya paminsan minsan (gaano nga ba kadalas ang minsan).

3. Matalino. Ako lagi ang taga banggit sa mga kaibigan at kamag anak na number 1 sya sa batch namin at dahil dito ay lubos ko syang pinag mamalaki. Laging tagapaliwanag ng mga hindi ko maarok na kaalaman (in short, slow ako).

4. Seksi. hehehe Walang bola pero sa paningin ko sya pa rin ang seksing Noreen na nakilala ko nung magkatrabaho palang kmi. pramis! Taglay ang katangiang gusto ko sa isang chicka babes. hehe

5. Nagustuhan nya ko ng ganito na ang timbang ko. Pag payat nako, nde na daw yun ang James na nagustuhan nya, hindi ko lang sigurado pag lalo ako tumaba hehe mukang ibang usapan na yata un.

6. Simple lang ang mga hilig sa buhay. Mas magastos ako di hamak sa kanya at ngayon siya ang aking kunsensya (parang safeguard) kapag bumibili ako ng mahal. Natuto akong magtipid kahit papano at magisip bago bumili.

7. Mahilig magpayakap... sa pagtulog man, o kahit sa kotse, nakaakbay habang nagmamaneho ako. Kaya rin gustong gusto ko ang Isuzu Highlander, wala kasing pagitan ang drayber at pasahero sa harapan. hehe.

8. Mas masarap magluto kaysa sa akin. Kala ko nung naging mag asawa na kmi, ako lagi ang magluluto (ako pala ang tiga hugas ng plato hehe), yun pala may tinatagong angking galing rin sya sa pagluluto. Namana sa panonood sa mga kusinera sa bahay nila - si nanay at si ate.

9. Madisiplinang Mommy. Mas takot sa kanya si Baby Girl at siya ang madalas na tagasaway. Taga kontra din sa pang sspoil ni Daddy.

10. at higit sa lahat... isang butihing Asawa at Ina. Tagahilod ng likod ni Daddy at taga sungkit ng ingrown. Taga luto ng ketsup ispageti ni Baby Girl, hair stylist at tagalinis ng pepe (ito hindi ko kayang gawin talaga).

Aktwali, kahit wala ang mga nabanggit, masasabi ko parin na lab ko siya dahil siguro sa mga tinahak naming landasin, mga desisyon namin bilang mag asawa, sa sabay naming pagpapalaki sa anak namin at halos limang taon na pagsasama, magkasama pa rin kami hanggang ngayon, sa hirap at maraming ginhawa. (Thank you Lord)

Alabyu NMI, andito lang ako.. maghihintay sayo.

No comments: